Sa nakaraang entry, naisulat ko ang tungkol sa ilang problema sa dormitoryo, lalo na sa pagkain. Hindi lang iyon nag-iisa; napakarami pa. Ngunit ngayon, gusto kong isulat muna ang tungkol sa nakaraang GA o General Assembly noong nakaraang ika-26 ng Enero 2010.
Pinag-usapan sa pagpupulong na ito ang tungkol sa UP Fair, Kalai Week, Yearbook, at kung ano-ano pa. Ang resulta? Ninanais ko na ngayon na matapos na ang lahat ng ito. Masyadong maraming gastos na wala namang benefit sa amin. Katulad ng Yearbook. Aanhin ko iyan? Wala nga kaming yearbook nung elementary at highschool, sa pagkakaalam ko. Alam kong makakadagdag lang iyan sa kalat sa bahay, lalo pa't hardcover and pinili niyo. Ganoon din ang batch shirt. Dapat kasi merchandise na lang iyan, 'yung bang optional ang pagbili at hindi ang sapilitan. Ano kami? Mga bangkong labas lang ng labas ng pera? Isa pa nga pala ang financial report na iyan. Tama ang argument ng ibang residente. Hindi nga naman pinapaskil ng House Council ang mga gastos nila. Nakakagulat tuloy ang laman ng financial report nila... Lalo na ang paggastos nila sa TV na 20,000. Nasira kasi yung malaking TV kaya binalak nilang bumili ng bago: 40 inches daw at may home theater system. Home theater system? Aanhin ko 'yan? Nakaka-survive naman ang isang tao ng walang TV, lalo na ng walang home theater system. Isa pa ang Open House, kung saan bukas ang kwarto ng mga residente sa ibang tao, tulad ng mga kaibigan at mga myembro ng kani-kaniyang pamilya. Sabihin niyo, ano ang benefit niyan sa mga residente? Paano ang mga may exam sa Sabadong iyon o kaya'y sa susunod na linggo? Hindi lang iyon, kailangan pang bigyan ng dekorasyon ang bawat corridor kaya siguradong bagong gastos na naman iyan. Nandiyan din ang pag-record umano ng kanta ng bawat corridor para i-compile na magiging batch CD. Pweh! Anong gagawin ko dun? At ang arte pa, kailangan daw ay mag-rerecord pa sa studio. E magkano naman iyon? 600 hanggang isang libo mahigit ang presyo ng pag-rerecord. Gastos na naman! Isa pa ang Formal Dinner... Na magiging katulad din ng nakaraang Acquaintance Party at Christmas Party? Sabihin na nating catered nga at hindi sa Kalai gagawin, ano ngayon? Babayaran namin ang caterer tapos mag-rerent pa ng susuotin... At sapilitan ding magbabayad ang hindi pupunta? Napaka-unfair naman ata niyan. Kung alam niyo lang, maraming residente na pinili ang Kalayaan dahil mura ang bayad kada buwan. Nabasa niyo ba iyon? MURA. At ang ginagawa niyong mga gastos ay hindi kaayon ng dahilan nila kung bakit sila nag-dorm sa Kalai. Sa bagay, marami kasi sa inyo mga mayayaman na nasa Bracket A, di ba? Bakit hindi niyo kaya ilagay ang inyong mga pampered na sarili niyo sa lugar ng iba? Wala akong nakikitang point sa mga pinaggagawa niyong project at kung ano-ano pa. Lalo na't patapos na ang ikalawang semestre. Oo at malapit na ang bakasyon ngunit hindi ba't sa panahong ito, marami ang mga exam at projects na binibigay ng mga propesor? At isisingit pa nila ang mga dorm activities sa stressful na buhay ng mga UP students? Ano ba naman 'yun? Ginugusto po namin ang academic excellence, at hindi ang excellence ng mga activities sa dormitoryo.
Hay naku...
Saturday, January 30, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment