Ang ating mga ninuno ay maaari nating tawaging mga walang alam. Bakit? Noong 1521, pagdating ni Magellan dito ay tinanggap siya ng ating mga ninuno sa Mactan. Akalain mong isang banyaga na ngayon lang nakita na nakadamit ng kaka-iba ay pinapasok ng ganoon na lamang sa kanilang tribo! Maaaring may hostilities noong una, ngunit iyon ay nawala maaari dahil sa mga regalong dala ng mga Kastila. Nagpadala naman itong mga ninuno natin. Hindi kalaunan, nakita rin nila ang katotohanan: balak silang sakupin ng mga banyaga. Kaya naman nakipaglaban sila. Succesful naman ito, sa katunayan nga ay napatay ng grupo ni Lapu-lapu si Magellan, ang lider ng ekspedisyon. Umuwi ang mga banyaga sa Espanya. Dito ba nagtatapos? Hindi. Dahil bumalik ang mga Kastila noong 1565, 44 na taon ang nakalipas. Tinaboy ba sila? Hindi! Tinanggap sila na parang walang kaguluhang nangyari noong 1521. Dahil doon, nagsimula ang pananakop ng mga Kastila sa ating bansang Pilipinas. And it was never the same again, ika nga.
Bumalik tayong muli sa kasalukuyan. Sa nakaraang dalawang linggo, nakatanggap ako ng dalawang masasabi kong text scam. Medyo nakakatuwa ang una. Ito ang sinasabi ng mensahe na galing kay +639298254855:
ma d2 poh kmi hospital nabanga ung cnasakyan namin,naki txt lng po ako,1 nlang po lud ni2,lud nyo po muna 200 i2ng #nato.pra po mktwag kmi sa e.hotline pra ma2lungan ung mga iba ko pngksma.wait ko nlang po tnx...
Obvious naman siguro, hindi ba? Kung hindi mo pa rin maintindihan kung bakit na-classify ko siya bilang text scam ay ipapaliwanag ko sa iyo. Malinaw naman na sinabi niya na humiram lang siya ng cellphone, maari sa isang nasa ospital. Kung ganoon nga, bakit napakalaking amount naman ng load ang hinihingi niya? Kung tatawag siya, hindi ba dapat nasa 30 pesos lang ang dapat niyang hingin? Wala bang telepono sa ospital na matatawagan niya? Isa pa, nasa ospital na siya kaya bakit pa niya kailangang tawagan ang e-Hotline? Bakit din hindi niya sinabi kung nasaang ospital sila kung ina nga niya talaga ang tinetext niya? Masyadong maraming butas ang paghingi ng tulong na ito. Ngunit, kung totoo man ito, pasensya na at napadala mo sa akin ang text na iyan. Dapat kasi, memoryado mo ang number ng nanay mo.
Sa kasamaang palad, nabura ko ang ikalawang text ngunit sinasabi nito na nanalo ang aking cellphone number ng 800,000 pesos sa ika-75 na anibersaryo ng PAGCOR. Tawagan ko daw ang number na iyon para i-validate ko ang aking napanalunan. Sinubukan naming tawagan ngunit walang sumasagot. Ilang minuto ang lumipas at may nagtext ng, "call me up."
Maaring hindi masyadong nakakaduda ang text na ito dahil totoo naman na anibersaryo ng PAGCOR ngayong taon. Pero nag-register sa akin ang paraan ng pagtetext niya. Una, kung tama ang aking naaalala, gumamit siya ng sticky caps sa unang text. Maaring gumagamit din ang mga propesyonal nito ngunit kung business transaction ito, hindi ba't dapat na gumamit siya ng tamang paraan ng pagsusulat? Isa pa, kaduda-duda ang pagreply niya ng "call me up." Sa tingin ko, kung opisyal nga siya ay hindi naman siya masyadong magbibigay ng panahon sa isang taong nanalo sa paraffle nila. Ilang tao ba ang nasisiyahan na magbigay ng 800,000 pesos? Kakaunti lang siguro. Isa pa, ang apelyido niya ay na-ispell na "coztodio" at hindi "Custodio" na di hamak ay mas tama ang pagbaybay. Gaya ng nauna, marami din itong butas, kahit na may permit pa daw ito ng DTI. Kung totoo man ito, pasensya na lang sa akin at hindi ko sinunod.
Marami na nga ang nagagawa ng tao ngayon, salamat sa modern technology. Ngunit hindi lahat ng ito ay kabutihan. Talamak na rin ngayon sa Internet at maging sa cellphone ang mga iba't ibang uri ng panloloko. Marami nang modus operandi ang mga kriminal ngayon. Ika nga, e high tech na rin sila. Ibig sabihin ba nito ay maaaring big time na sila?
Nararapat lamang na tayo ay laging mag-ingat at huwag na huwag ibababa ang depensa. Hindi lang sa madidilim na pook nagtitipon upang makabiktima ang mga masasamang loob; naabot na rin nila tayo sa ating sari-sariling bahay, paaralan, at opisina. Hindi na lang sa mga makikitid na eskinita pwedeng manakawan, maging sa sarili nating cellphone ay pwede na rin...
Tunay ngang hindi nasafe ang ating mundong ginagalawan.
No comments:
Post a Comment