Hindi lahat ng estudyante sa UP Diliman ay matalino, masipag, at honor student. Noong isang linggo ko lang na-realize 'yon. Inakala ko kasi noong makapasok ako sa unibersidad na ito na magagaling ang lahat, na kaya nilang sagutin ang bawat tanong ng mga propesor na graduate ng mga unibersidad sa Estados Unidos, Europa, at Australia. At bakit hindi? UPCAT passer sila, hindi ba? Ngunit mali pala ang kaisipan nito. Hindi lahat, kundi karamihan ang matalino.
Hindi ko inakala na may mas tatamad pa pala sa akin pagdating sa pagreresearch. Oo, nabasa mo yun ng tama. Mayroon pang mas tamad sa akin at nag-aaral siya sa UP Diliman. Kaklase ko siya sa Kasaysayan 1. Isa siyang lalaki. Bakit ko naman nasabing tamad siya? Simple. Nanghihiram siya ng notes mula sa aking katabi bawat sulatin. Mabuti na lamang at hindi siya nahuhuli ni G. Tantonco, ang aming propesor. Malas ko na lang at isang araw, ako ang nakatabi niya. O baka, malas na lang niya.
Binigay ng aming propesor ang susunod na topic para sa aming sulatin: ang tungkulin ng isang babaylan. Gagawin namin ito sa susunod na Miyerkules (ika-5 ng Agosto, taong 2009). Sa kasamaang palad, hindi nakadalo ang aming propesor sa sumunod na linggo sapagkat siya'y nagkaroon ng sakit dahil sa ulan. Kaya naman na-postpone ang aming sulatin ng isang linggo. Masaya naman ako dahil hindi ako gigising ng masyadong maaga...
Ngunit pagdating ng araw ng sulatin, nakatabi ko nga si G. Tamad. Nahuli na nga siya sa klase, siya pa ang may ganang manghiram ng notes. Ano ba ang ginawa mo, kuya, sa loob ng isang linggo? May libro na naman sa silid-aklatan tungkol sa mga babaylan, hindi ba? Nariyan din naman ang Internet. Sigurado namang may oras ka para doon, hindi ba? Isang linggo na nga ang lumipas, wala ka pa ring notes. Na-disappoint tuloy ako sa kanya. Akala ko pala naman matalino ka. Tamad ka lang pala. O kaya naman, hindi marunong ng tamang time management. O baka naman hindi mo lang sineseryoso ang Kasaysayan 1 dahil madali lang maka-uno sa ating propesor. Puwes, sinasabi ko sa 'yo: importante ang lahat ng subject mo, kung hindi ka aware dun.
Inayawan ko ang panghihiram niya. Sino ka ba, anyway, para hiramin ang notes na pinaghirapan kong hanapin? Magalit na ang magalit, basta't akin 'to. Ayaw ko ngang ibigay sa 'yo. Sa mundo na ito, dapat sa 'kin lang ang sa 'kin. Pwera na lang kung mag-kaibigan talaga tayo. Kaya, kuya, huwag ka nang tumabi sa aking kapag may sulatin dahil hinding-hindi kita papahiramin.
Isa pang stereotype sa mga UP students ay ang pagtanggap ng mga estudyanteng nasa medium to low level of society. Kung ganoon nga, bakit napakaraming estudyante ang may mga sariling sasakyan? Bakit nagmamay-ari sila ng mga Acer, Mac, at HP na laptop? Bakit may mga estudyanteng nag-aral ng highschool sa mga eksklusibong paaralan tulad ng Ateneo? Bakit maraming estudyanteng mayayaman? Habol siguro nila ang pagiging sigurado na matatanggap sila sa trabaho. May edge nga naman ang mga graduate ng UP. Kung may pera naman sila, bakit hindi na lang kayo mag-aral sa Ateneo o kaya sa De La Salle para huwag niyo nang masyadong i-flaunt ang mga laptop at Honda niyo.
Pero ayos lang naman din sa akin na nandyan kayo sa UP. Ika nga nila, mas maganda ang may diversity.
Thursday, August 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment