Saturday, September 5, 2009

My life in ten or so years

I've taken a lot of quizzes on Facebook and some of them have these questions:
What do you see yourself doing ten years from now?
Where do you see yourself ten years from now?

I always answer that I see myself working, but in what line? Yes, I've taken up BA Journalism but is that really where I belong? 'Cause right now I'm having doubts whether I should continue the program or shift to Creative Writing (which is, like, my forte or something). It's not just because of Clarence, mind you (although that could be a consolation...). I've thought about future plans, goals, and my present interests. I asked myself where I would want to immerse myself. Television? Radio? Newspaper? I don't think so. Even as a student, I've already begun to see the crisis our media is suffering, especially the problems which lie on corruption. I don't want to build my life around those things. I want to be happy, because happiness is the most important thing in my life. As long as I'm happy, I'm okay. I mean, I could spend a whole day at a library and be happy just looking at the titles. (Yes, I am that shallow) Also, I think that mass communication is too vibrant, too colorful, for me. I'm more of an alone person. I don't want noise; I just want peace. I even prefer nights over the day and rain over sunshine. I'm not emo, you have to understand that. I just want to be alone and think things through. I'm not that serious either. When I say think things through, I mean day dream. That's why I shirk from people. I'm even having problems making friends or opening up to new acquaintances. I don't trust people that easily. So I think Creative Writing would be better. I'm aware that collaborations exist but you can always choose to work on your own. That is so contrary to the nature of journalism, where you run around interviewing people, gathering facts, and distributing them to people. Well, that's not what I want.

I want to be lazy. I want to be free. I want to hold my own time. I don't want to be imprisoned every day in a white patrol car. I don't want talking to people. I just want to be on my own. That's why I'm having second thoughts. And I totally don't know what to do, especially now that the first semester is nearing its end.

Oh, God, help me! I don't know what to do.

I know that if I choose something and I'm not happy with the outcome, I'll just be the loser in the end. I'll suck. I'll be the one to suffer. Man, why can't I decide? This is so hard.

I envy those people who would stick to their dream jobs. But, me? Oh, I don't know. Maybe for some people the work of a journalist and a creative writer are the same: writing. For me, no, that's not true. For one, a creative writer loves his adjectives. I love my adjectives! I cannot let them go! I don't want to be someone I'm not.

Oh, God.

Can't I just stop school?

Nah. Bad idea.

But I don't know what to do!

I don't want to waste four years of my life studying Journalism when, after all, I was made for Creative Writing. How loser does that sound to you? That is so gross. So stupid. I don't want to be stupid.

I do know one thing, though. I want to write. Books and stories mean everything to me. I cannot let them go. They're my world. They're more important than video games and anime. If they're gone... Then, just kill me, please.

... Maybe I just need to take a retreat, like Noynoy Aquino, and think a lot of things through. Or just go see a guidance counselor.

Anyway, dear blog, thank you for helping me take a load off my mind.

See you soon!

New books

Yep yep! After days of book famine, me here spent 95 pesos on three new books: Jurassic Park by Michael Crichton, The Portrait of a Lady by Henry James, and N is for Noose by Sue Grafton. All from Booksale, people!

Hurray for Booksale!

XD

Friday, August 28, 2009

Text scam

Text scam. Dalawang salita lamang ito ngunit napakaraming tao na ang naloko nito, maaring karamihan ay mga nasa middle-class na parte ng society. Kung hindi mo ito alam dahil nagtatago ka sa sarili mong shell nitong mga nakaraang taon, ang text scam ay mga mensaheng natatanggap ng isang tao sa kanyang cellular phone na ang motibo ay maloko ang taong iyon na magbigay ng pera sa nagpadala. Kadalasan, nilalaman ng mga text scam ang mga katagang, "Congratulations! Your cellphone number won...". Pagkatapos nito ay sinusundan ng hirit na "...deposit 10,000 pesos at xxxxxx bank account to validate your prize." Kung minsan ay mayroon pang permit ng DTI kunwari. Minsan, hindi lang pera ang hinihingi, pati ang credit card number. O kung minsan, pati load ng cellphone e hinihingi. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit napakaraming Pilipino ang naloko na ng mga text scam samantalang wala naman silang sinalihan na contest. Bakit naman sila mananalo ng ganun-ganun na lang? Maraming beses na ring ipinakita ang mga ito sa iba't ibang show sa telebisyon. Ano ba ang nasa likod ng mga text scam? Bumalik tayo sumandali sa ating kasaysayan...

Ang ating mga ninuno ay maaari nating tawaging mga walang alam. Bakit? Noong 1521, pagdating ni Magellan dito ay tinanggap siya ng ating mga ninuno sa Mactan. Akalain mong isang banyaga na ngayon lang nakita na nakadamit ng kaka-iba ay pinapasok ng ganoon na lamang sa kanilang tribo! Maaaring may hostilities noong una, ngunit iyon ay nawala maaari dahil sa mga regalong dala ng mga Kastila. Nagpadala naman itong mga ninuno natin. Hindi kalaunan, nakita rin nila ang katotohanan: balak silang sakupin ng mga banyaga. Kaya naman nakipaglaban sila. Succesful naman ito, sa katunayan nga ay napatay ng grupo ni Lapu-lapu si Magellan, ang lider ng ekspedisyon. Umuwi ang mga banyaga sa Espanya. Dito ba nagtatapos? Hindi. Dahil bumalik ang mga Kastila noong 1565, 44 na taon ang nakalipas. Tinaboy ba sila? Hindi! Tinanggap sila na parang walang kaguluhang nangyari noong 1521. Dahil doon, nagsimula ang pananakop ng mga Kastila sa ating bansang Pilipinas. And it was never the same again, ika nga.

Bumalik tayong muli sa kasalukuyan. Sa nakaraang dalawang linggo, nakatanggap ako ng dalawang masasabi kong text scam. Medyo nakakatuwa ang una. Ito ang sinasabi ng mensahe na galing kay +639298254855:

ma d2 poh kmi hospital nabanga ung cnasakyan namin,naki txt lng po ako,1 nlang po lud ni2,lud nyo po muna 200 i2ng #nato.pra po mktwag kmi sa e.hotline pra ma2lungan ung mga iba ko pngksma.wait ko nlang po tnx...

Obvious naman siguro, hindi ba? Kung hindi mo pa rin maintindihan kung bakit na-classify ko siya bilang text scam ay ipapaliwanag ko sa iyo. Malinaw naman na sinabi niya na humiram lang siya ng cellphone, maari sa isang nasa ospital. Kung ganoon nga, bakit napakalaking amount naman ng load ang hinihingi niya? Kung tatawag siya, hindi ba dapat nasa 30 pesos lang ang dapat niyang hingin? Wala bang telepono sa ospital na matatawagan niya? Isa pa, nasa ospital na siya kaya bakit pa niya kailangang tawagan ang e-Hotline? Bakit din hindi niya sinabi kung nasaang ospital sila kung ina nga niya talaga ang tinetext niya? Masyadong maraming butas ang paghingi ng tulong na ito. Ngunit, kung totoo man ito, pasensya na at napadala mo sa akin ang text na iyan. Dapat kasi, memoryado mo ang number ng nanay mo.

Sa kasamaang palad, nabura ko ang ikalawang text ngunit sinasabi nito na nanalo ang aking cellphone number ng 800,000 pesos sa ika-75 na anibersaryo ng PAGCOR. Tawagan ko daw ang number na iyon para i-validate ko ang aking napanalunan. Sinubukan naming tawagan ngunit walang sumasagot. Ilang minuto ang lumipas at may nagtext ng, "call me up."

Maaring hindi masyadong nakakaduda ang text na ito dahil totoo naman na anibersaryo ng PAGCOR ngayong taon. Pero nag-register sa akin ang paraan ng pagtetext niya. Una, kung tama ang aking naaalala, gumamit siya ng sticky caps sa unang text. Maaring gumagamit din ang mga propesyonal nito ngunit kung business transaction ito, hindi ba't dapat na gumamit siya ng tamang paraan ng pagsusulat? Isa pa, kaduda-duda ang pagreply niya ng "call me up." Sa tingin ko, kung opisyal nga siya ay hindi naman siya masyadong magbibigay ng panahon sa isang taong nanalo sa paraffle nila. Ilang tao ba ang nasisiyahan na magbigay ng 800,000 pesos? Kakaunti lang siguro. Isa pa, ang apelyido niya ay na-ispell na "coztodio" at hindi "Custodio" na di hamak ay mas tama ang pagbaybay. Gaya ng nauna, marami din itong butas, kahit na may permit pa daw ito ng DTI. Kung totoo man ito, pasensya na lang sa akin at hindi ko sinunod.

Marami na nga ang nagagawa ng tao ngayon, salamat sa modern technology. Ngunit hindi lahat ng ito ay kabutihan. Talamak na rin ngayon sa Internet at maging sa cellphone ang mga iba't ibang uri ng panloloko. Marami nang modus operandi ang mga kriminal ngayon. Ika nga, e high tech na rin sila. Ibig sabihin ba nito ay maaaring big time na sila?

Nararapat lamang na tayo ay laging mag-ingat at huwag na huwag ibababa ang depensa. Hindi lang sa madidilim na pook nagtitipon upang makabiktima ang mga masasamang loob; naabot na rin nila tayo sa ating sari-sariling bahay, paaralan, at opisina. Hindi na lang sa mga makikitid na eskinita pwedeng manakawan, maging sa sarili nating cellphone ay pwede na rin...

Tunay ngang hindi nasafe ang ating mundong ginagalawan.

Isang araw sa UPD

Sa kalagitnaan ng aking mga panaginip ay narinig ko ang malakas na pagtunog ng CarribeanCruise, ang alarm tone ng aking cellphone. Kaagad akong gumising. Alas sais na ng umaga. Oras na para simulan ang isang Martes sa U.P. Diliman.

Hindi ako kaagad tumatayo. Masarap kaya ang magmuni-muni sa kama bago bumangon. Pagkatapos ng ilang minuto ay tatayo na ako at aayusin ang aking kama. Pagkatapos nito ay bubuksan ko ang aking closet at kukunin ang dapat kunin. Dadalhin ko ang aking tuwalya, damit, at iba pang kailangan sa pagligo. Iiwanan ko ang aking cellphone sa kwarto; delikado na at baka mabasa. Syempre, itatago ko ito. Kung saan iyon, hindi niyo na dapat malaman. (:D)

Pagdating sa banyo, madalas at nakabukas at walang tao ang ikalawang shower room kaya doon ako pupunta. Sa totoo lang, iyon lang ang may gumaganang shower. Yung isa eh hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko pwedeng i-lock ang pintuan dahil wala namang lock. Sira ito. Wala ding pintuan ang banyo kaya open siya buong taon, maliban na lang kung nililinis minsan bawat araw. Ilalagay ko ang aking mga dala-dala sa pintuan, para malaman ng iba na mayroong tao. Isasabit ko naman ang lalagyan ng shampoo, conditioner, sabon, at Cetaphil sa may gripo. Pagkatapos ay malilgo na ako. Laging malamig ang tubig doon at hindi scattered, hindi katulad ng shower sa bahay. Yung doon eh parang isang matabang stream lang ng tubig.

Pagkatapos maligo ay ilalagay ko ang aking maruruming damit sa batya, o kaya naman sa aking malaking, berdeng bag na dinadala ko bawat Biyernes pauwi ng Pampanga. Kukunin ko ang aking asul na baso, kutsara, at tinidor. Pupunta na ako sa dining area para kumain ng agahan. Dadalhin ko na ang cellphone ko. Mahirap na baka manakaw sa kwarto...

Mga 6:15 pa lang ng umaga. Wala pang masyadong tao sa dining area. Iyon nga ang gusto ko, para walang hassle sa pag-upo. Mas gusto ko yung mag-isa lang ako, kaysa sa may kasama ka at parang obligado ka pang hintayin ang mga kasama mo. O kaya naman ay bilisan ang pagkain. Iiwanan ko ang aking mga utensils sa mesang napili at kukunin na ang dining card. Ihuhulog ito sa kahon na may pangalang Girls na isinulat gamit ang crayon. Isa rin sa kagandahan ng pagkain ng maaga ay walang pila. Tuloy-tuloy ka lang sa pagkuha ng tray mo.

Titignan ko muna kung ano ang pagkain. Kung bakit ko ginagawa ito ay hindi ko alam. Wala naman akong magagawa kung tsamporado o puro omelette ang ihain nila sa akin. Hindi pa naman ata nakabukas ang Shopping Center ng ganoong kaaga. Sayang din ang pera kung meron namang pagkain sa dormitoryo.

Sabihin na nating potato and cheese omelette ang agahan. Ngayon naman ay ilarawan mo sa iyong isipan ang itsura ng pagkain na ito. Kung titignan mo ito ng top view ay maaaring apat hanggang limang inches ang haba niya at isa hanggang 1.5 inches naman ang kapal. Kung side view naman ay makikita mong saktong 1 inch lang ang omelette. Mapapansin mo rin na kalahating centimeter lang ang pinakapalaman nito. Ang iba ay puro itlog na lang. Ano bang magagawa ko? Iyon ang niluto ng concessionaire. Nagluluto nga pala sila para magkasya ang budget at malamnan kahit papaano ang tiyan ng mga estudyante. Hindi na bale kung konti lang ang patatas o keso. Basta magkasya sa mahigit kumulang 560 na residente.

Lalagyan ko ng ketchup ang tray para naman medyo masiyahan ako sa lasa ng potato and cheese omelette kuno. Babalik na ako sa aking mesa. Iiwan ko ang tray at kukuha ng tubig mula sa dalawang naglalakihang jug. Hindi ko pupunuin ang baso dahil hindi masarap ang lasa ng tubig, katulad ng tubig sa dispenser na malapit sa opisina ng dorm manager. Di hamak yata na mas maganda pang inumin ang tubig sa gripo namin sa bahay kaysa sa filtered water ng concessionare. Bakit? Lasang swimming pool. Yun lang ang masasabi ko.

Pagkatapos kumuha ng tubig, babalik sa mesa at magdarasal bago kumain. Noong unang linggo ko sa U.P. Inoorasan ko ang sarili ko, kahit na ano pang gawin ko. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito. Siguro para malibang lang ako. Kaya naman alam ko na ang minimum time ng pagkain ko ay sampung minuto. Ganun din madalas sa pagligo, pero umaabot din ito ng 15 na minuto, o kung minsan ay 30 pa kung may naunang naligo. Sampung minuto din ang oras ng paglakad ko mula Kalayaan hanggang AS.

Pagkakain ay ibabalik ko ang tray sa kusina at babalik na sa kwarto sa ikalawang palapag. Magsesepilyo na ako at huhugasan ang mga pinagkainan. Pagkatapos nito ay kukunin ko ang aking batya at maglalakad patungo sa laundry room. Madalas, tatlo lang ang laman ng aking batya dahil araw-araw akong naglalaba. Ayaw ko kasi yung bulk. Nakakapagod at walang space para magsampay. Hindi mo rin naman pwedeng ilabas sa may hardin ang linabhan mo. Nakakahiya, ano. At bawal din naman iyon. Siguro ay aabot ito ng sampung minuto rin.

Sa kwarto ko isinasabit ang mga gamit ko, para secured. May kaso daw kasi noon na ninanakaw ang mga underwear sa laundry room. Mabuti na ang mag-ingat sa mga gamit, hindi ba? Ganun din naman ang ginagawa ng roommate ko.

Pagkadating sa kwarto ay isasabit ko nga ang mga gamit. Pagkatapos ay ilalagay ko ang electric fan sa kama at ako nama'y uupo sa harap ng mesa para basahin ang aking Bibliya at Daily Bread. Madalas, 7:00 ng umaga ko ito ginagawa. Kung minsan, mas maaga. Depende sa oras ng paggising ko. Madalas kasi ay gumigising ako ng 5:30 pero kung hindi ako kaagad natulog at Martes o Huwebes naman ang susunod na araw ay 6:00 ako gigising.

Pagkatapos ng aking pagbabasa ay irereview ko ang aking notebook upang tignan kung may requirements akong hindi nasunod. Wala pa naman sa ngayon. Kung may pagsusulit sa araw na iyon, mag-aaral din ako. Kung wala talaga ay magbabasa na lang ako ng libro o kaya ay matutulog ulit, depende sa mood. May isang oras pa naman ako bago lumisan sa dormitoryo. Mga ganitong oras kumakatok ang mga kaibigan ni Laude, ang roommate ko. Kadalasan, ako ang nagbubukas ng pintuan dahil tulog pa siya. 10:00 pa kasi ang klase niya. Hindi naman ako na-iinggit. 5:15 ng hapon natatapos ang klase niya.

8:00, o mas maaga pa, ang oras ng pag-alis ko sa dormitoryo. Iiwan kong nakabukas ang electric fan at nakatutok sa sinampay, upang pagbalik ko ay tuyo na ang mga ito. Magpapaalam ako kay Laude, kung nandiyan siya. Bababa ako sa unang palapag at kukuha ng tubig mula sa dispenser, kahit na karimarimarim ang lasa. Ayaw ko naman ang bumili ng tubig sa labas. Masyadong magastos. (:D) Pagkatapos ay magsi-sign out ako, isang rule na ngayon pa lang na-implement. Katulad ng dorm I.D. na napakalaki. Parang pinapakita talaga sa iba ang pagmumukha mo. Iche­check ng guwardiya ang gamit. Sa totoo lang, bubuksan mo lang ng kaunti ang bag mo. Titignan niya ng kaunti. At pwede ka nang umalis.

Maglalakad ako papuntang Biology Pavilion. Nasa likod ito ng Palma Hall, o mas kilala sa tawag na AS. Sampung minuto o mahigit ang oras ng paglalakad. Pagdating doon ay pawis na ako at medyo pagod. May kainitan na rin kasi sa labas. 8:30 pa magsisimula ang klase ko kaya uupo muna ako sa sahig, sa harap ng Room 4105, para hintayin na lumabas ang mga estudyante ng BIO11. Habang tumatagal, dumadami ang mga estudyanteng naka-upo sa sahig. Marami kasi kami sa klase ng BIO1.

Sa wakas. 8:30 na. Papasok na kami sa loob at uupo sa aming permanent seats. Papasok na ang aming propesor, si Dr. Perry Ong, na dala ang kanyang maliit na laptop. Siya ang magtuturo sa amin sa second half ng 1st semester. Nauna nang nagturo sa amin si Dr. Sonia Jacinto. Nakaka-inip ang naunang mga lecture dahil hindi naglalakad, na katulad ni Dr. Ong, si Dr. Jacinto. Nandoon lang siya sa harap at nagsasalita gamit ang sirang mikropono. Ang gusto ko lang kay Dr. Jacinto ay pinapalabas niya kami sampung minuto bago 10:00. Pinapalabas kami ni Dr. Ong ng saktong 10:00 kaya nahuhuli ako sa susunod kong klase: PE1 sa Vanguard. Kailangan ko pang sumakay ng Ikot jeep para marating iyon. Mga limang minuto din siguro ang biyahe, depende sa drayber. Pagbaba ng jeep, maglalakad pa ako ng kaunti para marating ang gusali. Aakyat din ako sa ikalawang palapag, Room V206. Kadalasan ay nadadatnan ko na si Sir Chino na nagsasalita sa harap. Pero ayos lang ang mahuli. Kinukuha lang niya ang attendance kapag patapos na ang klase.

Wala naman kaming nakakapagod na ginagawa sa PE1. Pinapawisan lang kami dahil walang aircon o electric fan man lang sa kwarto. Puro discussion at lecture lang ang nandoon. Walang adventure. Sa totoo lang, mas gusto ko iyon dahil hindi naman ako sporty na tao. Hindi ko nga alam kung anong PE ang kukunin ko sa susunod na semester. Kung kumuha na lang kaya ako ng Mah jong..?

Pagkatapos ng PE1 ay MBB1 naman sa may Albert Hall. Babalik ako sa jeepney stop at sasakay ulit ng Ikot jeep. Anim na piso lang ang pamasahe sa loob ng campus, kung iikot ka lang. Pero kung lalabas ka ng campus, eh syempre ibang usapan na iyan. Sandali lang ang biyahe kaya hindi naman ako masyadong naiinip, natataranta pa nga at baka lumampas ako.

Maghihintay na naman ako sa labas ng Room 106 dahil 11:30 pa ang klase kay Dr. Monotilla. 11:00 kasi ang natatapos ang PE1. Habang naka-upo, kakain ako ng biskwit, o kahit anong nabili kong pagkain, pantawid gutom. Para kahit papaano ay makapakinig ng mabuti sa lecture tungkol sa biotechnology. Sa totoo lang, hindi naman mahirap ang subject na ito. Alam ko naman na ako lang ang nagpapahirap sa sarili ko. Lumilipad kasi ang isipan ko kapag ganitong oras. Ewan ko ba kung bakit. Siguro hallucination ng isang gutom na tao.

Iba ang setting sa MBB1. Halos lahat ng kaklase ko ay upperclassmen, hindi katulad sa iba na maraming freshman. Isa siguro ito sa nagpapahirap ng subject na ito. Medyo na-iinsecure ako sa kanila. Yung katabi ko ay graduating na at ang course niya ay Physics. Siya ang laging sumasagot sa recitation at pinakamataas sa unang mahabang pagsusulit. Sino ba naman ang hindi ma-insecure doon? Hay naku.

1:00 ang dismissal time namin. Sasakay naman ako ngayon ng Toki jeep para bumalik sa dormitoryo. Matagal kasi kung Ikot ang sasakyan ko. Gaya ng sinasabi ng pangalan niya, lalabas pa siya ng campus bago makarating sa Kalayaan. Sa oras na iyon siguro ay nahimatay na ako sa gutom. Hindi naman. Konti lang.

Mga 1:15 na ako makakarating sa dormitoryo. Check ulit ng gamit at sign in. Pagkatapos ay karipas ang takbo paakyat ng kwarto. Iwan ang bag sa kama, kunin ang baso, kutsara, at tinidor, dalhin ang cellphone, magpalit ng tsinelas, at bumaba papuntang dining area. Kagaya nung umaga, wala nang masyadong tao sa canteen. Madalas kasing kumain ang mga residente tuwing 12:00. Kakaunti na lamang ang kumakain kaya madaling humanap ng mesang walang nakalagay na baso.

Katulad ng sa umaga, ganoon din ang aking gagawin. Iwan ang baso, kuha ng card, ihulog ang card sa kahon, kunin ang tray, kumuha ng sabaw kung nais, balik sa mesa at iwan ang tray, lagyan ng tubig ang baso, magdasal, kumain, ibalik ang tray sa kusina at umalis ng canteen. Ang pinagka-iba lang ay ang mga putaheng niluluto. Kung minsan ay nilagang baboy na nakahiwalay ang sabaw. Mapipilitan ka tuloy kumuha ng bowl dahil dry ang baboy at gulay. Kawawa naman. Magsesepilyo din ako at maghuhugas ng pinagkainan. Pagkatapos ay ilalagay ang mga pinatuyong sinampay sa closet. Ilalagay ko ulit ang electric fan sa kama at magbabasa ng Bibliya.

Depende na sa mga requirements na susundin ang gagawin ko sa natirang oras ng araw na iyon. Kung kailangang magresearch ay pupunta sa Main Library. Kung dapat sumulat ng synopsis ay kukunin ang laptop mula sa closet at magpapatugtog ng mga kanta habang nagtatype. Kadalasan ay nilalagay ko ito sa aking flashdrive upang i-print na lamang sa bahay namin, upang makatipid sa gastos ng pagpapaprint sa Shopping Center. Kung wala namang gagawin ay maglalaro sa laptop, magbasa ng libro, o kaya'y matulog ulit.

Tuwing hapon ng Huwebes, pumupunta ako sa A.S. upang mag-Bible study kasama ng aking discipler, si Ate Alleli. Kadalasan, nasa A.S. lobby kami pero pumupunta din kami sa tambayan ng Campus Crusade for Christ na nasa Vinzon's Hall o kaya naman ay sa ikalawang palapag ng A.S.

Mga bandang 5:30 ng hapon ay kakain na ako ng hapunan. Wala din kasing masyadong tao sa oras na iyon. Hindi na bale kung magutom ng mga 10:00. May pagkain naman ako sa kwarto. Gagawin ko ulit ang proseso na katulad ng sa breakfast at lunch. Iyon nga lang, bago magsepilyo ay iinumin ko ang aking Cecon. Sa tingin ko ay iyon lang ang pagkaka-iba. Pagkatapos maghugas ng pinagkainan ay magbabasa ulit ng Bibliya.

Depende naman sa mood ang gagawin ko sa gabi. Kung minsan ay bumababa ako sa TV Area para makapag-internet kahit sandali lang. Pero medyo hassle iyon dahil kadalasan, wala man akong kalahating oras na nag-iinternet at mamamatay na ang connection sa laptop ko. Hindi ko alam kung chance lang talaga o niloloko lang ako ng internet connection sa dormitoryo. Kung ayaw ko naman bumaba sa TV Area, maglalaro na lang ako sa laptop ko, habang nagpapatugtog ng mga kanta. Kadalasan, naglalaro ako ng Pokemon Emerald o kaya naman ay Harvest Moon gamit ang GameBoy emulator. Kahit papaano ay naalis ang stress ng buhay.

Pagsapit ng 9:00 ay tutunog ang bell. Bedcheck ang ibig sabihin noon. Hindi naman ako nahuhuli dahil lagi naman akong nasa kwarto. Hindi nga ako masyadong lumalabas, maliban na lang kung may dapat puntahan na meeting o kunin na papel sa mga kaklase sa dormitoryo. Pagkatapos magcheck ni Ate Kim ng attendance, maaari na akong matulog. Aayusin ko na ang gamit na kailangan ko sa susunod na araw, magtetext sa mga kaanak sa Pampanga, magdarasal, at matutulog na.

Monday, August 24, 2009

Miss Universe 2009 - part 5

Miss Venezuela won as Miss Universe 2009, placing Miss Dominican Republic as the 1st runner-up. It's a back-to-back win for Venezuela! XD

Congratulations!

Miss Universe 2009 - part 4

Top 5: Dominican Republic, Australia, Puerto Rico, Venezuela, and Kosovo.

My bet is gone! Argh.

I'll be betting on Dominican Republic. Haha.

Miss Universe 2009 - part 3

Philippines didn't win Miss Photogenic. Go figure.

O____O

China won Miss Congeniality. Thailand won Miss Photogenic.

Hurrah for Asia!

Miss Universe 2009 - part 2

I lost my energy to continue watching. But I'm betting on Switzerland.

Ack.

It's the evening gown part now. I like Switzerland's, Iceland's, and U.S.A.'s. They're so pretty and flowy!

Miss Universe 2009 - part 1

Wow. There are really beautiful women in this year's competition. Lots of them that I forgot my bets. :P

Anyway, Japan's costume was really cute. It really mirrored the fashion in the country from the hair down to the pink stockings. China's was sorta weird but that's what modern fashion looks like, nee? It's very futuristic. I appreciated Zambia's costume best. It's so tribal that it shows the culture of the country. Ireland's was colorful and cute, what with the shamrock design on the hat, but I feel that something is still lacking. And the Philippines! Of course, the Philippines! That was really pretty! I love the umbrella! :D

Well, none of those mentioned above made it to the Top 15. So yeah.

Saturday, August 22, 2009

Clarence - SPOTTED!

WEIRD. I haven't posted about my last encounter with Clarence yet. (When I used the word encounter, it had the effect of a ghost on me...). So in this post I shall narrate. Haha.

It was the 20th of August in the year of our Lord 2009. UP was holding its ACLE (Alternative Classroom Learning Experience) in the afternoon so we were dismissed early from our MBB1 class. That was around 12:00PM. However, I didn't get to ride a Toki jeep at that time. I waited for at least 10 or 15 minutes in front of Albert Hall. That was a good thing, though, for it was a key object on that day.

The jeepney coursed around the campus in its usual way. When we turned left on A. Roces, Sr. Avenue, I was so surprised to see Clarence walking. He was with a girl and he was holding an umbrella because it was unusually hot that day. No matter that he was walking with a girl at least, after two or three weeks, I finally saw him. And a rare occasion it was, too! If you've ever been to the campus you'd know how slim your chances of meeting your crush all throughout the day unless he's one of your classmates, block mates, or course mates, of course.

So hapii!